Activity Details

Detailed information about this youth development activity

Pamamahagi ng School Supplies at Ceiling Fan

August 15, 2025

Nag-abot ng tulong sina Vice Mayor Reymundo “King” Villacete, Ma’am Jamila Lim, Konsehal Dahlia Sto. Tomas, SK Federation President Philip Aquino, at Konsehal Clement Ortiz ng ceiling fan, school bags, at school supplies sa Barangay Poblacion 2 at Barangay Baung. Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng programa ni Konsehal Ortiz na Project Lapis, na naglalayong maghatid ng mga gamit pang-eskwela sa mga mag-aaral. Kasabay nito ay isinagawa rin ang Kusina ni Kuya King isang feeding program na pinangungunahan ni Vice Mayor Villacete. Lubos ang pasasalamat sa mainit na pagtanggap ng mga residente at sa suporta ng mga opisyal ng barangay na naging katuwang sa matagumpay na pagsasagawa ng mga nasabing programa.